tagal ko ng d nagpopost, masyado kasing maraming ginagawa sa school saka full ang sked ko from mon-sat 7 am hanggang 5 pm at pag uwi kailangan ko naman mag aral para sa mga quiz..sa totoo lang dapat sa mga oras na ito ay nag aaral ako kaso pagod ako eh, kailangan ko munang mag relax..
animated, sabi nung prof namin sa psychiatric nursing animated daw mga filipino – ung bang magalaw, ma-action daw…katulad nalang pag babati sa patiente ng mgandang umaga saka kamusta, marami pa daw kasamang body movements at facial expression, kaya daw natutuwa ung mga patiente..lalo na abroad..
kinwetuhan nya kami sa mga experience nya sa abroad, sabi nya mababait naman daw mga nurse doon very particular ngalang daw sila sa time, 5 minutes kalang daw ma-late sa trabaho mapapagalitan ka na daw saka marami syang mga sinabing mga terms nila doon, tulad ng fever- tawag daw nila doon temperature, tapos ung i’m sick ibig sabihin na daw nung patiente na susuka na sya, marami pa syang ibang sinabi. Sabi din nya mahilig daw sila gumamit ng adjectives..
nag sisingit din sya ng mga point of view nya sa buhay, sabi nya ung mga kambal (identical) daw bakit daw ba kailangan pang pag suotin ng parehas eh kambal na nga daw, hirap na daw ung tao kung sino si, tapos pinagpaparehas pa daw lol sabi pa nya na aaksaya lang daw ung pera dahil parehas lang ng kulay at style ung damit na binili..d ko alam kung pano ko dedescribe ung ugali nung prof namin pero natutuwa ako sa kanya, dami ko tuloy na-rerealized sa mga bagay bagay sa buhay dahil sa kanya..
hay nako halatang nagpapalipas lang ako ng pagod…
eto nalang payo for the day ng classmate ko:
“kung naiinitan ka, wag ka ng mag pa-paypay dahil lalo kalang pag papawisan at ma-iinitan”
bakit? kasi ganito yan eh (simpleng explanasyon na lang, d na kailangang scientific).
Pag nagpa-paypay ka gumagamit ka ng energy –> nag-lalabas un ng heat (init) sa katawan–> tapos pag-papawisan ka–> kaya pag nag-paypay ka ng nag-paypay lalo na kung exagge yung pag-paypay mo, mas lalo kalang maiinitan at pagpapawisan. kuha nyo?
kaya solusyon ng classmate ko: wag kanalang gagalaw para hindi ka gagamit ng energy ^^
iyan ay payo lang nang aking classmate kaya hindi ko kayo pinipilit maniwala..