wheew tapos na Red Cross Training namin na ginanap sa Dr. Albert Elementary School sa may Dapitan 6 days kami doon fom monday to saturday 8-5 ng hapon kung saan nag lecture ang mga RN volunteers ng redcross tungkol sa first aid, Basic Life Support at CPR from monday to wed.
nung monday…
lecture lecture pa Iba iba ung instructor na nag tuturo samin bawat topic sa first aid at BLS-CPR. Buong araw ganun lang lecture-break time-lecture tapos lunch tapos lecture ulit hanggang mag uwian na..
Tuesday naman..
ganon ulit lecture all day pero mas masaya na ngayon kung baga tapos nasa “getting to know you stage” ang effect hehe kaya parang vibes na ng mga instructor yung mga studyante kahit marami paring bagong instructor na nagturo mas okay na. Tawanan pa nga kami ng tawanan sa bawat lecture, mga kalokohan ng mga instructor namin eh, mga side comments saka hirit nila mga nakakaloko hehe nakakaloko din ung mga sinasagot nung mga kakaklase ko sa mga tanong ng instructor nakikisakay naman ung mga instructor namin mababait sila hehe mga bata pa kaya talagang masaya walang kill joy at terror effect..karamihan nang mga instructor doon boys kaya yung classmate ko na talaga namang hindi na unusual samin na lahat nalang crush eg kulang nalang yayain na nya cla ng date lol. ” CR tayo” ,”punta tayo sa corridor” lol lahat nalang ng paraan masilayan lang!
nung wednesday….
nag written exam kami nung umaga para doon sa mga ni lecture tapos nung hapon nag demo na nung bandaging saka patient handling. Topic namin ” Patient Rescue”, d2 tinuro samin kung pano ililipat ung victim sa lugar na may incidente papunta sa safer place. ayun yun lang…
Thursday….
Hapon dapat mag dedemo na kami ng CPR eh biglang d natuloy sa friday na daw kaya pinagawa samin nag practical nalang kami ng patient bandaging, transporting and handling by group tapos pipili ng victim sa group, ung victim bale ung i-rerescue namin pero d actual na rescue kasi sa mass casuality incident (mci) panamin un gagawin…ito parang part lang noon pauna lang para alam namin ung gagawin namin doon sa mci.
Natawa kami ng sobra kahit dapat serious. Pagkatapos kasi ng practicals ng first aiders, sabi nung instructor sa lahat ng first aiders, may gagawin din daw ang mga victim! (ang victim lahat ng group ay nasa Late stage of shock due to trauma at halos lahat nung victim ng bawat group ay naka bandage na pati mukha natatakpan, may mga fracture pa cla.)
nakahiga kasi lahat ng victim pa-vertical tapos kami audience nalang kasi tapos na kami as first aiders, tapos sa harap nila mga malayo ng konti nakalagay ay tig-isa sila ng upuan….ang challenge nila ay eto: PA-UNAHAN MAKAPUNTA DOON SA UPUAN SA HARAP NILA!! sa bilang ng 15
lol grabe tawanan lahat dahil ung victim nung group 2 gumulong gulong pa para lang maka-una lol grabe talaga nag cheer pa kami sa victim namin sabi namin bilisan mo bilis ma u-una na ung kabilang group!!!
First place ung gumulong gulong haha wala man lang ni isa samin naka isip na wag pagalawin ung victims at hindi din naisip nung mga victims na nasa LATE STAGE OF SHOCK NA SILA AT ANG DAMING FRACTURE at d na dapat nakakagalaw lol kaloko talaga…
Nung friday…
MASS CASUALTY INCIDENT Practicals namin. D2 parang true to life na incidete talaga.
una dapat lahat kami na sa loob ng classroom walang lalabas dahil ung victim bago pa mangyari ang lahat tinago na saamin nung mga instructors para gawing mukhang talagang victim
d ayun tapos ng itago…
nag wang wang nayun fire truck…
tumakbo na palabas ng classroom ung aming leader at assistant papunta sa malawak na court nung school. hinanap ung victim, nung nahanap na binalikan kami nung assisstant para sabihin kung asaan…takbo din kami at pagkatapos tri-nansfer namin sa treatment area duguan talaga yung hitsura nya katakot..nagsimula na kami mag assess ng mga sugat nya…at saka nag first aid..at ayan nadin ang firetruck nagsimula ng mag apula ng apoy (kunwari may apoy) kaya pati kami nabasa lahat . At may mga Professional Usisero’t Usisera pa talaga pero totoo nyan magnanakaw role nila, wala naman nawala sa gamit namin, ung tsinelas lang nung victim hinablot nung isang usisero hindi na namin nahabol..
eto isang nakakatawa habang nag gagamot kami may kamera kunwari lalapit pipicturan kami buti nalang naisip namin na hindi dapat titingin doon dahil focus dapat sa victim lang…lol may isang group nag posing pa at ung iba naka V-sign pa lol
ayus yung practical wala kami maxadong mali…natagalan lang kami sa pagtransfer kasi nasa ilalim ng kotse ung aming victim nahirapan kami hilain kasi dapat ingatan din ung fracture nya..enjoy din para nag sa-save kami tallaga ng life kahit may fake feeling parin…s
pagkatapos noon kodakan galore…
ito ang isa sa pinaka memorable na experience ko sa buhay…d’best sa susunod sana makasali naman ako doon sa part ng mga bumbero..
cge ayun nayun!
haba na ng post ko..epiko..
lmao..this is long. I’ll get back on this tomorrow..btw..love the new header.
I absolutely love the header!!!
HELLO PO AKO PO SI JULIE A. QUICOY 33 YEARS OLD PUEDE PO BANG MAG TANONG KUNG KAILAN ULI MAG UMPISA ANG TRAINING NINYO SA RED CROSS KASI GUSTO KO KASI SUMALI SA TRAINING NINYO DIYAN SA DAPITAN PUEDE PO MALAMAN KUNG KAILAN AT ANO ANG MGA KAILANGAN SALAMAT AASAHAN KO PO MANG INYONG SAGOT. MARAMING SALAT JULIE QUICOY, PAGADIAN CITY CABRERA ST.
@julie- Ms. Julie ganito po kasi eh, part lang po ng duty (nursing student po ako) namin sa school yung pong training ko sa red cross, bale po isang linggo lang po kasi yung training namin kaya tapos napo sya..at ung pong sa dapitan nagkataon lang po na ung Albert School doon ay pumayag na gamitin naming un as our venue dahil bakasyon ng mga estudyante, kaya baka wala narin pong training doon, asa ibang lugar naman po cla cguro ngayon..
Ganito nalang po i refer ko nalang po kayo dun sa mga naging instructors namin sa red cross, para po mas detailed po ung proceso kasi d ko rin po maxadong alam kung pano eh..post ko nalng po d2 kung cno po pwede nyong makasuap kasi may contact po yong classmate ko sa isa kanila..
kung malapit naman po kayo sa intramuros, punta po kayo doon sa Red Cross Manila Chapter doon po pwede po kayo mag-inquire…katabi lang po sya ng Pamantasan ng Lungsond ng Maynila (PLM)
sensya na po wala po akong masyadong naitulong..
AHLIESSA MARAMING SALAMAT NALANG PO SAYO
may training pa po ba gang ngayon?? gusto ko lang pong malaman kasi interesado po ako at gusto ko po maging part ng program.
maraming salamat.
aimee cruz, sta. teresita, sampaloc manila