sakiburi desu..
ang dami ko kagad na missed na balita kay YUI tsk! ilang linggo lang ako hindi nag internet eh..
naman kaka-release lang ng to mother, album kagad sa July 14..nag hair extension si YUI..namiss ko tuloy bigla yung long hair nya..sana magpahaba na uli sya..
5 times in a row na palang number one mga single nya..isa nalang abot kamay na nya si Utada..
wala naman akong balita kay Younha..d ko alam pero napaka hirap hagilapan ng bagong balita tong c Younha samantalang KPOP wave na KPOP Wave ngayon..
ayun kamusta naman sakin..
sa training ko sa hospital, ewan ko..nasa kinaiinisang Area ako ng mga trainee ngayon eh..kagagaling ko lang sa area kung saan nandun yung isha na hindi nang didiscriminate kaya kahit papano matuwa tuwa ka namang mag duty dun..
ayun yung 1 kg na na-gain ko nung nakaraang walong buwang pagtambay eh isang buwa’t kalahati lang nang paguran at puyat eh nawala nang parang bula..
ma~shouganai ne
____
dewa
Posted in Uncategorized | Leave a Comment »
talagang naririndi at minsan naiirita nako pag sinsabihan ako ng ang payat payat ko
ngayon ko lang napagisip isip na dapat nakong mainis sa mga taong sabi ng sabi na ang payat payat ko “indirectly” at “directly”
nung isang linggo lang halos araw araw may nagsasabi sakin na ang payat2 ko, yung iba ewan ko kung naiingit ba o nangaasar na eh..
at eto ang nagpasabog ng pasensya ko..
may dalawang tao nagsabi sakin nito:
mukha kang patienteng nakawala sa QI
anong vitamins mo iha..
“BWISET kayo!”
naasar na talaga ko nung sinabi nila yun, kahit pa joke yun sana man lang iniisip nila muna yung mararamdaman nung sinasabihan nila..hindi ako pikon dahil kung pikon ako matagal ko ng d natitiis mga mapangasar at mapanglait na taong yan …
sa totoo lang hindi ko naman kahit kelan ginusto na payat ako at hindi ako kailanman nagdiet or watevs..matakaw ako, kumakain ako ng gulay at prutas lahat na ng asa balance diet..talaga lang di ko alam kung bakit d ako tumataba ng kahit konti man lang..wala din kasing mataba sa pamilya namin..
ayoko kong ine-explain payang kapayatan ko..
bakit ba napakaraming insensitive sa mundo, mga walang preno mga bibig, hindi muna isipin yung sasabihin bago magsalita…puro dada…
______
ma~
Posted in ako to! | 1 Comment »
YUI’s tonight preview ay kalat na..
malapit na release ng to mother
si miwa may i-rerelease ding single sa june title Little Girl (akala ko yung Change na OP ng blech yung second single nya)
eto galing sa website nya:
The long awaited second single “Little Girl” will be released on 23 June.
Limited Edition ¥ 1575 (tax included): CD + DVD (“Little Girl” music video recording) + Tray color
Regular Edition ¥ 1223 (tax included): CD only
Initial ★, usually in different cover photo
All three songs will
As soon as the other details will be announced at HP.
updated narin website ni miwa..
wala pakong balita na bagong drama ni erika toda..
______
dewa dewa
Posted in ako to! | Leave a Comment »
ma~
mag li-leave muna ako ngayon sa wordpress..
kaya 3 months wala maxadong post d2..
natapos ko na yung Code Blue 2 saka Saigo no Yakusoku
hhmm medyo disappointed ako sa code blue 2 draggy ng konti saka sobrang madrama, ewan ko ba basta mas maganda yung season 1..saka paulit ulit na ung mga ope~ na ginagawa nila pati yung mga aizawa-shiraishi pre-romantic moments makasawa..
yung saigo no yakusoku typical deception story sa japan mala guess who the criminal is..hehehe..panuorin nyo nalang dahil pag nagkwento nako wala ng guessing game pa habang nanonood kayo..kung dati na kayong nanonood nang mga ganyang tema ng drama sa japan madali ng hulaan kung sino si ganyan sino si ganito ^^
yun lang
______
dewa
Posted in Uncategorized | Leave a Comment »
kimeta!!
magte-training nalang ako..
shoganai.. kahit walong buwan ako tumambay sa bahay ayoko ng magreklamo pa andyan nayan eh..tadhana na cguro lahat ng nangyayari sakin kaya ganyan..think postive nalang..
tutal 20 palang naman ako hindi pa huli ang lahat..
sa tingin ko dapat ko nalang munang hasain clinical skills ko kesa maghagilap nang sweldo sa ibang trabaho na hindi ko naman maapply pinagaralan ko..
mas importante ngayon sakin yung clinical experience dahil assessment ko talaga sa sarili ko kahit pa nakagraduate nako lahat lahat.wala kong sinabi sa clinical area sa lecture lang ako may sinabi..
mas magiging confident at ready nako magtrabaho sakaling tawagan ako ng daigaku no byoin namin kung kahit papano eh nasabak nako sa maramihang patiente at ibat ibang shift at area.
sa~sa~sa~sa~sa
kore kara mo gambarimasu yo!!
____
ja!
Posted in ako to! | Leave a Comment »

ang daming nang nag cocompare kay miwa kay YUI-sama.
nagsisimula palang naman c miwa at c YUI-sama naman marami rami ng napatunayan at talaga namang isa sa successful na singer sa jpop.
sa tingin ko sa paraan lang naman ng pagdedebut sila nagka parehas at sa mga technical na bagay tulad nalang sa MV at CD jacket at sa tie up sa drama ng debut single nila. at yun nga parehas silang guitarista’t pianista at singer-songwriter.
pero sa boses magkaiba naman sila wala naman akong marinig na YUI sa boses niya mas makokompara ko pa yung boses niya sa vocalist ng Ikimono Gakari, at haluan ng konting misono at hitomi takahashi.
yung dont cry anymore saka change ni miwa nung narinig ko marami na kagad akong naalala namay ganung style ng music sa jpop ibig kong sabihin may pagkatypical na yung tunog nung kanta nya lalo na kung anime addict ka..pero maganda naman eh okay narin..cguro pakikinggan ko din mga single nya pero hindi ganun ka tindi ng kay YUI na d ako mapakali pag d ko napakinggan single nya sa loob ng buwan ng release..
baka tactic nalang ng Sony Records yan kaya ganyan, cguro nakita nilang successful yung naging way ng career ni YUI kaya yun din yung ginagawa nila kay miwa, pero feeling ko pagnagtagal maiiba rin yan..wag lang sana syang pabayaan ng sony..kung kasing passionate sya ni YUI mag compose at kumanta baka marating din nya yung narating ni YUI, kasi ewan ko ba, 2 solo arist ng sony ang d na maintain yung height ng career nila mula nung nag debut sila na feeling ko dahil sa d sila karamihan ang nagcompose ng mga kanta nila tulad ni Younha saka Hitomi takahashi, kasabayan nila c YUI pero c YUI lang ang talagang namaintain at umarangkada pa nga ang career (hindi ko sinasabi na tamad na singer ung dalawa ha dahil fan dn nila ako hanggang ngayon)
assumption ko lang yung bagay nayun ..baka mamaya..
——
dewa!
ikanakya..
Posted in Uncategorized | Leave a Comment »